CAMARINES NORTE — Patay ang isang lola na nabundol ng isang Sport Utility Vehicle (SUV) sa Labo, Camarines Norte, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Dominga Baria, 78.

Ayon sa imbestigasyon ng Labo Municipal Police, naglalakad sa gilid ng kalsada si Baria nang masagasaan ng SUV na minamaneho ni Lorena Arevalo, 47.

Tumilapon ang biktima at nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mabilis na isinugod sa ospital ang matanda ngunit namatay pagkaraan ng ilang sandali.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa imbestigasyon ng pulisya, idinahilan ng driver ng SUV na nasilaw siya sa lakas ng ilaw ng nakasalubong na sasakyan at hindi niya nakita ang naglalakad na biktima.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isasampa ng pulisya laban kay Arevalo. (Fer Taboy)