NATAMO ng Northern Mariana Islands ang estado nito bilang commonwealth sa ilalim ng United States noong Enero 8, 1978. Sa petsang ito nagsimula ang pamumuno ng unang gobyerno ng USA-associated Commonwealth of the Northern Mariana Islands (CNMI),
Bagamat ang Marianas ay nadiskubre ni Ferdinand Magellan noong 1521, hindi tumira sa isla ang mga Europeo hanggang noong 1668 nang ginawang Katoliko ng mga misyonero ang mamamayang Chamorro. Matagumpay na pinamunuan ang mga isla ng Spain, Germany, at Japan bago naging bahagi ang mga ito ng post-World War II United Nations Trust Territory of the Pacific Islands (TTPI). Ang Amerika ang nagkaroon ng awtoridad para pangasiwaan ang TTPI, alinsunod sa mga termino ng trusteeship agreement.
Noong 1976, inaprubahan ng Kongreso ng Amerika ang pinagkaisahang talakayin na Covenant upang maitatag ang CNMI sa Political Union kasama ang United States of America. Nagkaroon ang gobyerno ng CNMI ng sarili nitong konstitusyon noong 1977, at sinimulan ng constitutional government ang pamumuno noong Enero 8, 1978. Ganap na ipinatupad ang Covenant noong Nobyembre 3, 1986, sa bisa ng Presidential Proclamation No. 5564, na nagkaloob ng United States citizenship sa mga kuwalipikadong residente ng CNMI.
Matatagpuan sa silangan ng Pilipinas at sa timog ng Japan, saklaw ng CNMI ang mga isla ng Rota, Saipan, Tinian, Pagan, Guguan, Agrihan, at Aguijan. Kalahati ng populasyon sa CNMI ay mga Asyano, kabilang ang mga Pilipino, Chinese, at Koreans. Chamorro at English ang mga opisyal na lengguwahe nito. Gayunman, ginagamit din ang mga wika ng Pilipinas, gayundin ang mga lengguwahe ng Pacific Island at Asian.
Binabati natin ang mamamayan at ang gobyerno ng Northern Mariana Islands, sa pangunguna ni United States of America President Barack H. Obama, at ni Governor Ralph de Leon Guerrero Torres, sa pagdiriwang nila ng kanilang Commonwealth Day.