Enero 7, 1979 nang pabagsakin ng Vietnamese troops ang malupit na rehimen ni Pol Pot at kanyang Khmer Rouge army sa Cambodia. Nang sumunod na araw, si Heng Samrin ang kinilala bilang chief ng bansa.

Inorganisa ni Pol Pot ang Khmer Rouge sa Cambodian countryside noong 1960s, minimithi ang isang radical communist revolution na magbubura sa lahat ng impluwensya ng Western countries.

Nagsimulang makipaglaban ang Khmer Rouge guerrillas sa government forces noong 1970. Sinakop ng Khmer Rouge ang Phnom Penh noong Abril 1975. Ang mga residente ay hindi pinapayagang gumamit ng modernong teknolohiya o magsalita ng foreign languages. Mula 1975 hanggang 1978, nasa dalawang milyong Cambodian ang namatay dahil sa labor force, kagutuman, at parusang kamatayan.

Sa loob ng maraming taon, nanatili ang puwersa ng mga Vietnamese sa Cambodia upang hindi muling mapatupad ang Khmer Rouge rule.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’