TEHRAN (AFP) – Nagbabala ang Iran sa Saudi Arabia noong Miyerkules na tumigil sa pagkilos laban dito sa pagtindi ng kanilang diplomatic crisis sa kabila ng mga pagsisikap na mapahupa ang iringan na nagtaas ng pangamba sa katatagan ng rehiyon.

Sa pagdating ng kanyang diplomat na pinalayas ng Saudi Arabia, sinabi ni Foreign Minister Mohammad Javad Zarif na dapat nang itigil ng Riyadh ang matagal na nitong pagsisikap na komprontahin ang Iran.

“For the past two-and-a-half years, Saudi Arabia has opposed Iran’s diplomacy,” sabi niya sa press conference kasama si Iraqi Foreign Minister Ibrahim al-Jaafari.

“This trend of creating tension must stop. We need to stand united... and stop those who are adding fuel to the fire,” aniya.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'