Isang babaeng guro ang sinaksak at napatay ng dati niyang nobyo makaraang tumanggi siyang makipagbalikan dito nang puntahan siya sa pinagtatrabahuhang paaralan sa Maasin City, Leyte, nitong Martes ng hapon.

Naglunsad ng manhunt operation ang Maasin City Police Office (MCPO) laban sa suspek na si Jonathan Fernandez, 31, ng Barangay Combado.

Ayon kay Police Supt. Avelino B. Doncillo, hepe ng MCPO, sa mismong labas ng silid-aralan sa Libertad Elementary School pinagsasaksak si Angelica Miole, 23, Grade 5 teacher, at nakatira sa Barangay Bactul II sa Maasin City.

(Fer Taboy)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog