#26 Roi Sumang  -Global port #9 Noy Baclao -Alaska

Laro ngayon

Araneta Coliseum

7 p.m. Alaska vs. Globaport

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Globalport, susubukang makadalawa kontra Alaska.

Makapagposte ng mas mabigat na bentaheng 2-0 sa ginaganap na duwelo ang tatangkain ng Globalport sa muli nilang pagtutuos ng Alaska sa Game Two ngayong gabi ng best-of-7 semifinals series para sa 2016 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Tila hindi naubusan ng lakas matapos ang paghihiwalay ng taon, isang matinding pasabog ang ginawa ni Terrence Romeo nang magtala ito ng career-high 41puntos noong Game One na kinabibilangan ng anim na 3pointers upang pangunahan ang Batang Pier sa pagsorpresa sa paborito at topseed Aces, 107-93.

Sa kabila ng maagang bentahe, naniniwala si Globalport coach Pido Jarencio na magiging mahaba ang kanilang duwelo ng Alaska.

“Alaska is a tough team, so for sure it’s going to be a long series,” ani Jarencio na naniniwalang gagawin lahat ng Aces upang makabawi sa natamong pagkatalo sa unang laro ng Final Four series.

“Best defensive team sila, nagkataon lang na amin ang gabing ito. Pero sigurado mahabang laban ‘to,” dagdag pa nito.

Gayunman, aminado si Jarencio na malaking inspirasyon ang dulot ng nalasap nilang kauna-unahang panalo sa semifinals.”Lahat may first time, pero malaking panalo ito para sa amin.Kailangan lang maging consistent kami at kung kakayanin, mahigitan pa yung effort na ibinibigay naman in every game.”

Ayon kay Jarencio, bagama’t underdog sila sa serye nila ng Aces, buo ang kanyang kumpiyansa sa kanyang mga player lalo na sa kanyang dalawang ace guard na sina Romeo at Stanley Pringle na siyang tumatayong mga lider ng kanilang koponan.

Sa panig naman ng Aces, sinabi ni coach Alex Compton na kailangan nilang pag-igihan ang kanilang depensa at pag-usapan ito partikular pagdating sa loob ng court na siyang nawala sa kanila noong Game One.

“Our lack of talk about defense, I didn’t hear that out today,” ani Compton matapos ang natamong kabiguan sa kamay ng Batang Pier noong Lunes ng gabi sa MOA Arena.”We have to be better defensively.”

Maliban sa kanilang depensa, kailangan din ng Aces na bumawi sa kanilang freethrow shooting matapos magtala ng mababang 15-of-33 noong Game One. (MARIVIC AWITAN)