Enero 6, 1996 nang magsimula ang Blizzard of 1996 matapos umulan ng niyebe sa Washington D.C. dakong 9:00 ng gabi hanggang sa Eastern seaboard. Nang mga panahong iyon, ang malamig na hangin mula sa Canada ay umabot at humalo sa mainit na hangin mula sa Gulf of Mexico.

Naapektuhan nito ang Virginia at ang timog-silangang New England sa sumunod na tatlong araw.

Sa mga apektadong lugar, bumayo ang malakas na hangin, na naging dahilan upang mabawasan ang visibility dahil sa pagbagsak ng malalaking tipak ng niyebe.

Sa Philadelphia tumama ang pinakamata ng bagyo, at natabunan ito ng niyebe na may taas na 31 pulgada. Habang ang Rhode Island ay natabunan ng 32 pulgada ng niyebe. Nasugatan naman ang ilang residente sa New York City matapos masira ang bubong ng isang simbahan sa Harlem.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Umabot sa 154 na katao ang namatay at nasira ang mahigit $1 billion halaga ng ari-arian dahil sa hagupit ng bagyo.

Ipinahinto ni noon ay United States President Bill Clinton ang mga operasyon sa gobyerno sa loob ng isang linggo dahil sa trahedya.