guiao-cone-070114 copy

Naiintindihan man ni Rain or Shine coach Yeng Guiao ang hinaing ni Ginebra mentor Tim Cone, hindi naman sang-ayon ang Pampanga congressman sa timing ng reklamo ng American guru.

Hawak ang twice-to-beat advantage, nagtala ang Ginebra ng isang 92-89 overtime victory laban sa Star Hotshots upang tumungtong sa second phase ng quarterfinals ng ginaganap na PBA Philippine Cup.

Dito na nakalasap ng 84-83 defeat ang Ginebra sa fifth seed Globalport Batang Pier na nagtapos sa isang kontrobersiya matapos hindi pumito ang reperi sa dapat sana ay five-second ball hogging violation ni Batang Pier Stanley Pringle.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ngunit imbes na ireklamo ni Cone ang non-call na magbibigay sana sa Gin Kings ng mahigit tatlong segundo para makagawa ng winning play, ibinunton nito ang sisi sa tournament format na kanilang pinagdaanan.

Ayon kay Guiao, lahat ng koponan ay may tsansa na dumaan sa kung anuman ang pinagdaanan ng Ginebra ngayong conference.

“Kasi kung kalian ka natalo tsaka ka nagreklamo, pwedeng i-question yung motives mo. Pero sa akin, pwde pang pag-aralan, pwede pang ma-improve kung gusto nila,” ani Guiao. “Maghintay ka na lang sa susunod bago mag-umpisa at alam mo na masama yung format, dun ka magreklamo.”

Kuntento man si Guiao sa kasalukuyang format, maari pa umano itong baguhin upang maging akma sa preperasyon ng bawat koponan sa mga darating na tournaments.

Batid naman ni Guiao na isa sa dahilan ng pabago-bagong format ng liga ay para mabigyan din ng sapatb na panahon ang mga PBAv players na makasama sa Gilas Pilipinas training pool.

“Marami ng factors pero mas gusto ko na year after year, pareho lang at alam mo na kung ano yung susuungin mo at alam mo na kung ano ang diskarte mo in terms of the format,” dagdag ni Guiao.

Sa ngayon ay apat na koponan na lamang ang natitira sa kasalukuyang conference kung saan simula na laban ng Alaska Aces at Globalport sa isang semifinal duel habang sisimulan ng Rain or Shine at San Miguel Beer ang sarili nitong best-of-seven semis match mamaya sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.