TARLAC CITY - Marahas na kamatayan ang sinapit ng isang construction worker na pinagbabaril ng riding-in-tandem criminals habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kamag-anak sa Villa Dela Paz Subdivision sa Barangay Dela Paz, Tarlac City.

Kinilala ni PO3 Gerald Dela Vega ang pinaslang na si Benjie Santiago, 42, tubong Barangay San Jose, Concepcion, Tarlac, at residente sa nasabing subdibisyon.

Dakong 12:45 ng umaga, nakikipag-inuman si Santiago sa kanyang mga kamag-anak nang dumating ang isang motorsiklo na walang plaka, lulan ang dalawang katao, at matapos huminto ay pinagbabaril ang biktima, na agad na nasawi.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog