‘KATAWA naman ang tsikang ipinipilit ng basher ni Julie Anne San Jose na lihim daw niyang boyfriend si Sef Cadayona. Ang pinagbasehan ng basher ay ang Facebook post daw ni Sef na nobya niya si Julie Anne at may pictures pa ng dalawa itong ipinost.

Ayaw maniwala ang basher sa sinabi ni Sef na wala siyang FB account at ayaw ring paniwalaan ang mga ipinaalala ng followers ni Julie Anne na si Andrea Torres ang totoong girlfriend ni Sef. Basta tuloy siya sa kanyang maling paniwala para lang masiraan ang singer-actress.

Hindi pumapatol sa basher si Julie Anne kahit noong kainitan ng isyu sa kanila ni Alden Richards at si Maine Mendoza pa ang nag-sorry sa kanya in behalf of some Aldub Nation na nam-bash kay Julie Anne.

Sa nakaraang Christmas party ni Julie with her fans, pinaalalahanan niya ang kanyang mga tagahanga na huwag pumatol sa nambaba-bash sa kanya sa IG. Karamihan ay sumusunod, pero may ibang hindi makapagpigil lalo na kung below the belt na ang paninira.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Anyway, malapit nang magtapos ng college si Julie Anne, tinatapos na niya ang thesis para sa kanyang graduation. Dito siya naka-focus at sa maganda niyang career.

Isa lang siya sa GMA Artist Center talents na may three shows, may drama (Buena Familia), nagho-host at kumakanta siya sa Sunday Pinasaya at nagho-host din sa Day Off ng GMA News. --Nitz Miralles