“High electoral shift” ang tawag ni Social Weather Station (SWS) President Mahar Mangahas sa naging resulta ng huling quarterly survey ng SWS na inilabas bago mag-Pasko.

Lumabas na statistically tied sina Senator Grace Poe at Vice President Jejomar Binay para sa unang puwesto at pumangalawa naman ang Daang Matuwid presidentiable na si Mar Roxas.

“The most striking finding of the December 12-14 survey was not the tie of Poe and Binay for first place, but the drop of Rodrigo Duterte to fourth place at 20 percent, or below Mar Roxas’s third place at 22 percent,” ayon kay Mangahas.

Tinukoy ni Mangahas ang nauna nilang survey nung Nobyembre na ipinakitang nasa unang puwesto si Duterte.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“The points lost by Duterte went primarily to Roxas, who thereby crept to only 4 points behind Poe and Binay,” dagdag niya.

Matatandaang nagkaroon ng word war sina Roxas at Duterte na tinaguriang “sampalan war” matapos na kumasa si Roxas sa hamon ni Duterte, ngunit umatras naman ang huli. ‘Tila maraming nagulat sa matapang na sagot ni Roxas kay Duterte, na tinawag nitong “bully” at nangangaya lamang ng ‘di lumalaban.

Samantala, habang tabla sa survey sina Poe at Binay ay ‘tila dumadami ang hinaharap na isyu ng kampo ni Poe.

Sumugod sa Korte Suprema ang mga kapanalig ni Poe at isinigaw ang ‘tila panlalaglag umano rito ng running mate na si Senator Chiz Escudero, na tinawag nilang “Boy Laglag” at “Ahascudero.”

Inakusahan nila si Escudero ng pag-abandona kay Poe dahil sa mga kaso ng disqualification na hinaharap ng huli.

Diniskuwalipika ng Commission on Elections (Comelec) ang senadora sa magkahiwalay na kaso si Poe dahil sa kakulangan nito ng residency requirement sa Pilipinas nang tumira ito sa Amerika. - Beth Camia