Enero 4, 1964 nang manguna ang awiting “There! I’ve Said Again” ni Bobby Vinton sa Billboard charts. Ang awitin ang huling nanguna sa charts bago naging popular ang The Beatles sa American music scene, at iyon din ang ikasiyam na awitin ni Vinton na napabilang sa Top 40.

Matagumpay noon si Vinton, at ang nasabing awitin niya ay mas matanda pa sa ilan sa kanyang mga tagahanga.

Gayunman, itinaboy ng “I Want to Hold Your Hand” ng Beatles ang awitin ni Vinton mula sa unang puwesto. Dahil sa pagsikat ng banda, halos nakalimutan na ang tipikal na “white, male vocalist” na imahe ng isang mang-aawit na Amerikano.

Kabilang si Vinton sa iilang performers na hindi naapektuhan sa nagbagong musika sa Amerika noong 1960s, at ang awitin niyang “Mr. Lonely” ay naging number one noong Disyembre 1964. Ang ilan sa kanyang mga awitin ay napabilang sa top 20 ng Billboard charts. Ang “My Melody of Love” ang huling pinasikat niyang awitin, at nanatili ito sa ikatlong puwesto sa loob ng dalawang linggo noong Nobyembre 1974.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'