Aabot sa anim na lalawigan ang apektado na ng dry spell dahil sa nararanasang El Niño phenomenon.
Sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang nasabing mga lugar ay kinabibilangan ng Laguna, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Guimaras, Aklan at North Cotabato.
Makararanas naman ng tagtuyot ang Quezon, Camarines Norte, Northern Samar at Samar ngayong taon.
Tinukoy ng PAGASA ang pagtindi pa ng El Niño sa susunod na buwan.
Ayon sa PAGASA, bihira rin ang mga bagyo na papasok sa bansa sa unang bahagi ng 2016.
Inaasahang aabot sa anim na bagyo ang papasok sa Pilipinas mula ngayong buwan hanggang Abril.
Matatandaan na nagbabala ang US space agency na NASA laban sa epekto ng El Niño na maaaring kasing tindi ng naranasan ng maraming bansa, kabilang ang Pilipinas, noong 1998.