KUNG si 2013 defeated senatorial bet Rizalito David ay may petisyon upang madiskuwalipika sina Sen. Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagtakbo sa 2016 presidential election, siya naman ay may petisyon ngayon sa Supreme Court (SC) na pigilin ang Commission on Elections (Comelec) na siya ay madiskuwalipika matapos ideklarang nuisance candidate.

Para sa Comelec, si David, isang broadcaster at miyembro ng Ang Kapatiran Party nina Nandy Pacheco at Norman Cabrera, ay maituturing na “panggulong kandidato” lamang tulad marahil nina “Luicifer,” “Hitler,” “Lapu-Lapu,” at ng umano’y ambassador sa Intergalactica. Naniniwala si Comelec chairman Andres Bautista na walang kakayahang maglunsad ng pambansang kampanya si DQ Boy.

Matindi ang kalbaryo na dinaranas ngayon ni Sen. Poe dahil sa pagkandidato niya sa panguluhan. Kuing tinanggap lang niya noon ang alok nina PNoy at Mar Roxas at maging ni Vice President Jejomar Binay, na maging katambal nila ay baka wala ngayon ang mga DQ case na inihahain laban sa kanya. Dahil dito, nahuhukay maging ang mga pribadong pangyayari na may kinalaman sa kanyang pagkatao bilang isang pulot.

Sa layuning matunton ang tunay na mga magulang (biological parents) ni Sen. Poe, muling ipinahukay ang bangkay ng dalawang lalaki, ang isa ay ang ama niya at ang pangalawa ay ang kanyang lolo. Ayon kay Guimaras Vice Gov. Vicente de Asis, ang mga bangkay nina Francisco Montanez (lolo) at anak na si Paquito Montanez, ay hinukay noong Miyerkules upang kumuha ng specimen para sa DNA testing.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Naniniwala ang pamilyang Montanez na maaaring si Paquito ang biological father ni Grace bagamat may duda rin na baka si Lolo Francisco ang posibleng nakabuntis kay Victoria Rodriguez na ina umano ng senadora. Gayunman, duda ang taga-Guimaras na si Francisco ang nakabuntis dahil siya ay matanda na noon at hindi na kaya pa. Sabi kasi ni Leopoldo Montanez, surviving son ni Francisco, malimit dumalaw kahit gabi si Francisco sa bahay nina Victoria.

Siyangapala, alam ba ninyong sa Tondo ay namigay ng mga torotot at tinapay ang “Siga ng Tondo,” si LP vice mayoralty candidate Rep. Benjamin “Atong” Asilo. Layunin ni Rep. Atong na hindi gumamit ng mga paputok, lalung-lalo na ng piccolo, ang mga bata na malimit biktima ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Kung sa Davao City ay kamay na bakal ang ginagamit ni Mayor Duterte upang ipagbawal ang mga paputok, sa Tondo naman ay panghikayat at pakiusap. “Kailangan tayong magkaisa taun-taon na iwasan ang mga paputok upang hindi maputulan ng kamay, mabulag o kaya’y mapinsala ang ano mang bahagi ng katawan,” pahayag ni Asilo. (BERT DE GUZMAN)