Sa cartoon strip ng isang magazine, binati ng isang batang lalaki ang kanyang lolo ng “Happy New Year.” Sumagot ang kanyang lolo at sinabing ”Anong bago kung ang bawat taon ay paulit-ulit lang din sa kung ano ang mga nangyari sa nakalipas na taon?”

Sana ay hindi dumating sa buhay natin ang punto kung saan mararamdaman natin ang naramdaman ng lolo sa cartoon strip ng magazine. Ang Bagong Taon ay nagbibigay sa atin ng tsansa na maging mas mabuting taon, mas mabuting manggagawa, mas mabuting asawa, mas mabuting Kristiyano.

Sa pagsisimula ng Bagong Taon, pasalamatan natin ang Panginoon sa lahat ng biyaya na ating natanggap. Ang iba ay nagsasabing, “Anong dapat ipagpasalamat kung ang daming problema?”

Maging positibo. Ang problema kasi sa iba na hindi na natin nakikita ang mga bagay na meron sila, puro na lang problema at hinahanap kung ano ang wala. Matatandaan ang isang batang lalaki na salat sa buhay ay nagreklamo na wala siyang isang pares ng sapatos? Isang araw ay nakilala niya ang isang lalaki na walang paa!

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Bukod diyan, matuto tayo sa ating mga pagkakamali at wag na natin pang ulitin. Ang batang lalaki, halimbawa, na pinakasalan ang isang movie celebrity ay nadiskubre na hindi sila magkasundo dahil sa gambling habit.

Hindi nagtagal ang kanilang pagsasama, at nauwi sa annulment sa civil court.

Ang Enero 1 ay minarkahan bilang dakilang kapistahan ng MOTHERHOOD OF MARY.

Alam ng isang ina kung ano ang makabubuti para sa anak. Ang pagiging makapangyarihan ni Mama Mary ay mailalarawan sa mga sumusunod:

Naglilibut-libot ang Panginoon sa langit. Habang naglilibot, napansin Niya ang ilang suspicious-looking men.

Kinausap ng Panginoon si St. Peter, ang gatekeeper, at tinanong: Bakit narito ang mga iyan?”

Sumagot si Peter at sinabing: “Panginoon, pinalalabas ko sila, ngunit sila ay nagpatuloy at pinapasok sila ng babae sa bintana.”

“Sinong babae?” tanong ng Panginoon. Itinuro ni Peter ang babae at lumingon.

Nang lapitan siya ng Panginoon, nalaman niya na ito ay kanyang sariling ina! Napakamot na lamang ng ulo ang Panginoon. Hindi niya magagawang tutulan ang kanyang ina! (Fr. Bel San Luis, SVD)