Enero 2, 1492 nang isuko ni Emir Muhammad XII (“Bodabil”), ang huling Muslim leader sa Spanish Iberian peninsula, ang kanyang kapangyarihan sa Islamic Emirate of Granada sa “Catholic monarchs” na sina King Ferdinand II at Queen Isabella I, matapos ang Granada War.
Sa kanyang pagsuko, base sa Alhambra Decree, pinayagan ang mga Muslim sa Granada na ipatupad ang kanilang pananampalataya at mga tradisyon. Gayunman, ang nasabing kautusan ang naging dahilan sa pagtanggap ng mga Hudyo sa Kristiyanismo.
Pagsapit ng 1499, sinimulan ni Cardinal Francisco Jimenez de Cisneros ang pagbibinyag sa mga pinuwersang gawing Kristiyano matapos mapansin ang mabagal na paghimok ng unang arsobispo ng Granada, si Fernando de Talavera, na gawing Kristiyano ang mga hindi nananampalataya.
Matapos ang 1501 rebellion na tumutol sa hakbangin ni Cisneros, pinawalang-bisa ng Castillan Crown ang batas, at inatasan ang Granada Muslims na tanggapin ang Kristiyanismo o lisanin nila ang lugar.