Teddy Atlas copy

Regalo ni Teddy Atlas kay Pacquiao kapag nanalo vs. Bradley.

Planong regaluhan ng pamosong trainer na si Teddy Atlas si eight-division world titlist Manny Pacquiao ng mamahaling relong Rolex sa pagreretiro ng Pinoy boxer at kapag natalo niya si WBO welterweight champion Timothy Bradley sa kanilang ikatlong pagsasagupa sa Abril 9 sa Las Vegas, Nevada.

Nanalo si Bradley kay Pacquiao sa kontrobersiyal na 12-round split decision noong Hunyo 9, 2012 sa Las Vegas, Nevada kaya naagaw nito ang WBO 147 pounds belt ng Pinoy boxer.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa kanilang rematch noong Abril 12, 2014 sa Las Vegas din, kumbinsidong tinalo ni Pacquiao sa 12-round unanimous decision si Bradley para mabawi ang WBO welterweight crown.

“We’d correct the mistakes from the first two fights, use his experience from the past. A lot worked well in those first two fights, and then we’ll learn from our past. It’s what winners do, what smart people are supposed to do,” sabi ni Atlas sa BoxingScene.com.

Mas kilala bilang boxing analyst ng ESPN sa loob ng 20 taon, batid ni Atlas na mahirap talunin si Pacquiao kaya sasanayin niya nang husto si Bradley para manatiling WBO welterweight champion.

“If it happens, and it’s official, then we understand what we’re facing,” dagdag ni Atlas. “Pacquiao is one of the best fighters of the last decade, and that’s a challenge and we have a responsibility to be ready. And also, we appreciate it, the opportunity to be part of such a special fight.”

Mula nang hawakan ni Atlas, naging impresibo ang performance ni Bradley lalo nang talunin sa 9th round TKO ang minsan ding tinalo sa puntos ni Pacquiao si ex-WBA lightweight champion Brandon Rios.

Maraming tagahanga ang nagbigay ng negatibong reaksiyon at batikos matapos makumpirma ang Pacquiao-Bradley bout at kabilang na rito si WBA world super lightweight champion Adrien Broner na halos magmura sa kanyang mensahe.

Sinabi ni Broner na maraming fans ang umaasa na siya ang makakaharap ni Pacquiao pero labis umanong nagahan si Top Rank CEO Bob Arum.

Giit pa ni Broner, niloko umano siya at pinasakay na posible raw siyang mapili.

Sagot naman ni Arum, hindi raw kikita sa pay-per-view kung si Broner ang pinili dahil hindi naman ito sikat.

Para naman sa kilalang trainer na si Joel Diaz, naniniwala ito na ayaw makita nang mga boxing fans na magkaroon ng part three sa Pacquiao-Bradley.

Patunay umano rito, ang walang “clamor” sa naturang laban.

May hinala rin si Diaz na kaya pinili ni Pacman si Bradley dahil kayang kaya ito at sa ikatlong pagkakataon at baka tuluyang mapatulog sa ring.

Si Diaz ay dating trainer ni Bradley na pinalitan na ngayon ni Teddy Atlas.

Ang trainer at ama ni Floyd Mayweather Jr. na si Mayweather Sr. ay nagsabi na rin na walang halaga kung meron mang bagong trainer dahil hindi pa rin daw ito makakatulong kay Bradley.

Ilang fans naman ang nagpakalat ng post sa internet na nagsabing “no to trilogy” dahil “boring” daw ito at wala nang dapat patunayan pa ang Pinoy ring icon. Bombo Radyo (Gilbert Espeña)