JAN2_LIZA copy copy

MATAGAL nang usap-usapan na si Erik Matti ang magdidirehe ng bagong Darna movie na ipo-produce ng Star Cinema na may target playdate ngayong taon.

Kumpirmado ito dahil nalaman namin mula sa isa naming source na may sariling opisina na ang nasabing direktor sa ABS-CBN, kasama ang producer ng Reality Entertainment na si Dondon Monteverde.

Kapansin-pansin din kasing puro computer graphics ang teaser ng Darna na forte ni Direk Erik, na napanood sa Aswang Chronicles movie series niya.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

So, posible nga kayang co-venture ang Star Cinema at Reality Entertainment ang Darna? Pero sa teaser na usap-usapan ng moviegoers simula nang mapanood sa mga sinehan ngayong Pasko, Star Cinema lang ang nakalagay sa fantasy movie.

Halos iisa ang sinasabi ng lahat ng nakapanood ng teaser ng Darna 2016, profile raw ni Liza Soberano ‘yung babaeng bida na nakasuot ng red hoodie at bagamat nakatagilid kaya hindi makita ang mukha, kitang-kitang matangos ang ilong.

Oo nga, sa pagkakaalam namin ay si Liza lang ang may pinakamatangos na ilong kapag nakatagilid.

May mga nagsasabing si Nadine Lustre, pero imposible naman daw dahil busy ito sa On The Wings of Love at may ka-love team pa na super sikat. Alangan namang maging support lang si James Reid sa Darna.

Samantalang si Liza ay puwedeng-puwede nang mag-solo lalo na’t balitang bibigyan siya ng bagong ka-love team sa bago niyang project.

Pero sa bagong serye naman ni Liza ay si Enrique Gil pa rin ang partner niya.

Abangan ang mga mangyayari sa career ni Liza ngayong 2016. (REGGEE BONOAN)