Pinasalamatan ni Nationalist People’s Coalition (NPC) Congressman Win Gatchalian ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa pag-apruba sa mga bagong imprastruktura, lalo na ang Bus Rapid Transit (BRT), sa huling bahagi ng administrasyong Aquino.

“In behalf of the Filipino people, we thank NEDA and President Aquino, who chairs the Board, for approving infrastructure projects that will benefit the current and future generations,” pahayag ni Gatchalian, senior vice chairman ng House Committee on Metro Manila Development.

Inaprubahan ng NEDA Board nitong nakaraang linggo ang mga bagong infrastructure project, na kinabibilangan ng agribusiness financing, pagsasaayos ng prison facilities, at programa sa pangangalaga sa yamang dagat.

Partikular na pinuri ni Gatchalian ang NEDA Board matapos nitong aprubahan ang tatlong mahahalagang proyekto sa sektor ng transportasyon, kabilang ang Manila-Quezon Avenue Bus Rapid Transit, North Luzon Expressway-South Luzon Expressway Connector Road Project, at four-lane toll road na mag-uugnay sa NLEX at SLEX.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Such projects will enhance the country’s transportation system and make the movement of goods and people faster, more efficient, and with less costs,” ani Gatchalian.

“Inclusive economic growth is simply impossible without an enhanced transportation system that will help people get to their workplaces and products and services to be transferred at the shortest amount of time at the least cost,” dagdag ng mambabatas mula sa Valenzuela City.

Aniya, malaking ginhawa para sa mga residente ng Metro Manila at karatig-lugar sakaling maitayo na ang mga naturang imprastruktura dahil makatutulong ito sa pagbabawas ng mga sasakyan sa EDSA.

“The worsening traffic is not a sure sign at all of inclusive growth but of mismanagement of the country’s transportation system and the failure to control the number of cars plying our thoroughfares,” ayon kay Gatchalian, na kandidato sa pagkasenador.

Matatandaan na inihain ni Gatchalian ang House Resolution 2399 na humihiling na agad na aprubahan ang Bus Rapid Transit na bibiyahe sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila na aniya’y epektibong solusyon kontra traffic.