TARLAC CITY - Dahil lamang sa kasuotang pambata at iba pang gamit na inumit sa isang department store, nakapiit ngayon ang dalawang babae sa himpilan ng pulisya rito.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Lowell Directo, inaresto sina Marilou Mendoza, 31; at isang Kaye, 17, ng Barangay Talaga, Capas, Tarlac.

Napaulat na tinangay ng dalawa ang iba’t ibang pambatang kasuotan, sapatos, sunglasses, T-shirt, bag, at short pants na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P6,139.50.

Dakong 12:05 ng tanghali nang nagtungo ang dalawa sa SM City Department Store at nagkunwaring kostumer, nagsukat sa fitting room, hanggang ilagay sa mga dalang eco bag ang nabanggit na halaga ng mga paninda. (Leandro Alborote)
Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae