TALISAY, Batangas - Patay ang isang nurse matapos umanong malunod sa Taal Lake matapos na tumaob ang sinasakyan niyang bangka sa Talisay, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Christian Alarde, 26, na nalunod umano makaraang tumaob ang bangkang sinasakyan niya sa Barangay Buco, dakong 4:30 ng hapon nitong Lunes.

Nakaligtas naman ang kasama ni Alarde na si Cathlene Morales, na sakay din sa naturang bangka.

Ayon sa report ni PO3 Charlie Bermejo, dinalaw nina Alarde at Morales ang isang kaibigan sa naturang lugar ngunit sa kanilang pagpalaot ay biglang bumigay ang bangka nang mawalan ito ng balanse, 20 metro ang layo sa dalampasigan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

(Lyka Manalo)