SA senatorial bets, si Valenzuela City Rep. Win Gatchalian ang nakapagtala ng pinakamalaking pag-angat sa huling survey ng Pulse Asia noong Disyembre 4-11, at sa unang pagkakataon ay pumasok ang kongresista sa “Magic 12”. Pumalo sa 36 percent ang conversion o “voting for” ni Gatchalian sa naturang survey na nagpaangat sa kanyang ranking mula sa No. 15 tungo sa pagiging No. 12, na nasa loob ng winning circle. Tumaas din ng 83 percent ang awareness level ni Gatchalian, kaya pumasok siya sa “Magic 12”.

Sa September survey ng Pulse Asia ay 22 percent lang ang mga boboto sa kanya sa pagkasenador kaya 14 percentage points ang itinaas ni Gatchalian sa huling survey. Ang ibig sabihin lang nito ay naging epektibo ang huling dalawang TV commercial ni Gatchalian, na ang una ay nag-focus sa mensaheng “Kilala mo ba si Win Gatchalian?” na sinundan ng isa pang advertisement na testimonials ng mga nakakakilala sa three-term mayor at ngayo’y kongresista ng Valenzuela City.

Nananatiling edukasyon ang pangunahing pinaglalaban ni Gatchalian at ito ay nakaangkla sa paniniwala niyang mas maganda ang kinabukasan ng nagsipagtapos ng kolehiyo dahil mas malaki ang tsansa nilang makakuha ng mga trabahong mataas ang suweldo.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Maging si Senador Grace Poe ay malaki ang paghanga sa track record ni Gatchalian, partikular ang kanyang feeding program sa elementary public school students sa Valenzuela City noong alkalde pa siya nito. Kaya parehong naghain ng panukalang batas sina Poe at Gatchalian para i-institutionalize ang feeding program sa lahat ng pampublikong mababang paaralan sa buong bansa bilang panlaban sa malnutrisyon na nakakaapekto sa academic performance ng mga estudyante.

Aangat pa si Gatchalian sa “Magic 12” dahil ang Valenzuela mismo ay ang kanyang campaign manager. Bukas ang bayang ito para makita ng lahat ng ginawa niyang kaunlaran para ito ay maging isa sa mga pangunahing siyudad sa bansa sa maikling panahon na siya ay nanungkulan nang tapat at walang bahid ng katiwalian. (RIC VALMONTE)