ILOILO CITY – Nakataas ang alert status sa Negros Occidental at Negros Oriental makaraang magbuga ng makapal na abo ang Mount Kanlaon nitong Linggo.

“Local government units and the public are reminded that entry into the four-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) is strictly prohibited due to the further possibilities of sudden and hazardous steam-driven or eruptions,” babala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

“Civil aviation authorities must also advise pilots to avoid flying close to the volcano’s summit as airborne ash from a sudden eruption can be hazardous to aircraft,” saad sa advisory sa website ng ahensiya.

Limang minutong nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon, na sakop ang Negros Occidental at Oriental.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakarinig din ng dagundong mula sa bulkan ang ilang barangay sa La Carlota City, hanggang sa bayan ng Pontevedra sa Negros Occidental.

Nobyembre 23 nang magbuga ang Kanlaon ng abo at itinaas ang babala sa mga mountaineer upang iwasan ang lugar.

Ang Kanlaon ay paboritong akyatin ng maraming grupo ng mga mountaineer. (Tara Yap)