Pinagpapaliwanag ng mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ang ilang jail guard ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City matapos makapuga ang isang bilanggo nitong Linggo.

Naglabas si NBP chief Supt. Richard Schwarzcopf Jr. ng isang memorandum noong Disyembre 28 na pinagpapaliwanag ang mga post tower supervisor at keeper na naka-duty noong Disyembre 26-27 kung paano nakatakas si Reynaldo Abergonzado sa NBP maximum security compound noong Disyembre 27.

Si Abergonzado, na nakakakulong sa Dormitory 12-B, ay hindi miyembro ng ano mang pangkat sa NBP. Hinatulan siya ng reclusion perpetua dahil sa kasong pagpatay sa NBP noong 2009.

Nadiskubre ng “kulturero”, bilanggo na naatasang bantayan ang isang brigada, ang pagtakas ni Abergonzado dakong 11:30 ng umaga noong Disyembre 27.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Ipinagtataka rin ng mga prison official kung paanong natawid ni Repizo ang electric fence sa tuktok ng mataas na pader ng pasilidad.

Bago nakapuga si Abergonzado, na tubong San Miguel, Bohol, ipinakansela rin ni Schwarzkopf ang bakasyon ng mga jail guard simula noong Disyembre 21 upang maiwasan ang pagtakas ng mga bilanggo. (Jonathan Hicap)