SAN CARLOS CITY, Pangasinan – Natagpuang patay ang isang Amerikano matapos itong magbigti gamit ang water hose sa Barangay Bacnar sa lungsod na ito.

Sinabi ni Supt. Charles Umayam na dakong 7:00 ng umaga nitong Sabado nang natagpuan ang bangkay ni Clay Doucette, 39, may asawa, tubong Harris Bay Town sa Texas, USA, at naninirahan sa Sitio Tataew sa Bgy. Bacnar.

Nabatid na nakipagtalo ang dayuhan noong Pasko sa asawang Pinay na si Donna Rose Doucette, 23, hanggang sabihan ni Clay ang misis na lumayas sa bahay.

Umalis nga ang ginang bitbit ang kaisa-isa nilang anak.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

“Na-depress at nagpakamatay ang biktima,” ani Umayam. (Liezle Basa Iñigo)