May pag-asa ang publiko na makatsamba ngayong Lunes ng tinatayang P80-milyong jackpot sa Grand Lotto 6/55 bago matapos ang taon.

Ito ang taya kahapon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos na walang manalo sa draw nitong Disyembre 26, na may jackpot prize na P74,636,504 milyon.

Sinabi ni PCSO General Manager Jose Ferdinand M. Rojas II na walang sinuman sa libu-libong tumaya ang nakatsamba sa mga numerong 30-50-26-45-07-52, bagamat may pitong tumaya sa lima sa mga numerong ito at nanalo ng P138,210 bawat isa. - Edd K. Usman

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter