Coco at Vice copy

SA paglilibot namin kahapon, pangalawang araw ng MMFF, iba ang namasdam namin kumpara sa feedback ng ilang katoto dahil mas super hataw sa takilya ang pelikulang Beauty and the Bestie na pinagbibidahan nina Coco Martin, Vice Ganda at James Reid & Nadine Lustre.

Nakikipagpukpukan pa rin naman ang My Bebe Love nina Vic Sotto, Ai Ai delas Alas at Alden Richards and Maine Mendoza.

Parehong mahaba ang pila sa dalawang pelikula, pero kapansin-pansin na higit na mas maraming kabataan at mas lively ang nasa pila ng pelikula nina Coco at Vice kaysa movie nina Vic at Ai-Ai, huh!

BALITAnaw

#BALITAnaw: Mga sikat na personalidad na sumakabilang-buhay ngayong 2024

Kaliwa’t kanan pa rin ang mga post na kuha sa mahahabang pila sa Beauty and The Bestie hindi lang sa Metro Manila kundi pati na sa iba’t ibang siyudad sa mga probinsiya.

Sa post ng isang netizen na ipinakita ang mahabang pila ng mga nanonood sa SM Iloilo, ang sabi nito, “This the line from 3rd floor of SM Iloilo for Beauty and the Bestie movie. We are here since 10 AM, until now we are still on the line.”

Pati sa SM Cebu na sinasabing may milyong fans sina Vice at Coco, may nag-post din ng picture ng mahabang pila at ganoon din sa SM Bacolod at sa Trinoma.

“Hindi rin nagpapahuli ang pila sa SM Batangas,” sey sa amin ng kaibigan naming si Rowena Albuera. 

May mga sinehan sa Metro Manila na lagi pa ring sold out ang The Beauty and The Bestie.

Sa My Bebe Love naman, ang mahabang pila sa Trinoma ang nakita naming naka-post. May pila rin naman sa ibang pelikula na kagaya ng All You Need is Pag-ibig nina Kris Aquino at Derek Ramsay at iba pa. Pero base sa mga nasaksihan namin, mahigpit na naglalaban talaga sa unang puwesto ang Beauty and the Bestie at ang My Bebe Love.

(JIMI ESCALA)