Patay ang isang hindi pa kilalang lalaki matapos tumalon sa isang footbridge ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong Pasko.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na payat, may taas ang 5’4”, nasa 35-40 ang edad, semi-kalbo ang gupit, at nakasuot ng sando at maong na pantalon.

Lumitaw sa imbestigasyon na nangyari ang insidente dakong 11:30 ng gabi noong Disyembre 25 sa MMDA footbridge sa panulukan ng EDSA at Aurora Blvd., E. Rodriguez Avenue, Cubao, Quezon City.

Ayon sa isang 13-anyos na testigo, binabantayan niya ang kanyang mga ibenebentang kalakal nang biglang dumaan sa kanya ang biktima at sa hindi pa rin mabatid na dahilan ay tumalon ito mula sa footbridge.

National

Kilalanin ang mambabatas na nasa likod ng Death Penalty for Corruption Act

Dead on the spot ang biktima matapos mabagok ang ulo sa pagtalon mula sa mataas na istruktura.

Sinabi ng pulisya na dinala sa Pacheco Funeral Homes ang bangkay ng biktima. (Vanne Elaine P. Terrazola)