Apat na katao ang nasawi sa rabies sa Oriental Mindoro, batay sa ulat ng Department of Health (DoH)-MIMAROPA (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan).

Kaugnay nito, binalaan ni Regional Director Eduardo Janairo ang mga residente na mag-ingat at umiwas sa mga asong gala sa kanilang komunidad.

Ayon kay Janairo, batay sa ulat na natanggap niya mula sa DoH-MIMAROPA Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), ang apat na pagkamatay sa rabies ay naitala noong Nobyembre 16-Disyembre 21, 2015 sa magkakalapit na bayan ng Socorro, Pinamalayan, Gloria, at Bansud sa Oriental Mindoro. (Mary Ann Santiago)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente