BOLINAO, Pangasinan – Sa unang kaso ng pamamaril bago ang Pasko na napaulat dito, isang tao ang nasawi habang isang babae naman ang nasugatan sa ligaw na bala.

Ayon sa report mula sa Pangasinan Police Provincial Office, dakong 7:00 ng gabi nitong Disyembre 22, 2015 nang mangyari ang pamamaril sa Lipit, Sitio Arosan, Barangay Concordia, Bolinao, Pangasinan.

Batay sa imbestigasyon, sa ulo binaril si Henry Damasco, 45, dating driver ng Five Star Bus Company, tubong Burgos, Pangasinan, at pansamantalang naninirahan sa nabanggit na lugar.

Tinamaan naman ng ligaw na bala sa kanang kamay si Lanie Osorio.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Napaulat na nag-iinuman ang mga biktima sa bahay ni Osorio nang barilin sa ulo ng isang hindi nakilalang suspek si Damasco. (Liezle Basa Iñigo)