SHANGHAI (Reuters) – Ang pagguho ng lupa sa katimugang China na ikinamatay ng dalawang katao, bukod pa sa mahigit 70 nawawala, ay epekto ng pagsuway sa construction safety rules at hindi isang kalamidad, ayon sa gobyerno ng China.

Batay sa imbestigasyon sa Shenzhen, natuklasang ang landslide noong Disyembre 20 ay nag-ugat sa mga basurang construction material sa isang tambakan, at hindi isang natural na paggalaw ng lupa, at inihayag ng gobyerno na kailangang managot ang mga responsable.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina