ASHLAND, Miss. (AP) — Sa halip na maging abala sa last-minute shopping o pagbabalot ng mga regalo, iginugol ng mga pamilya sa South ang bisperas ng Pasko sa pagbibilang ng mga nawala sa kanila sa hindi pangkaraniwang pananalasa ng mga buhawi sa Disyembre at iba pang masamang panahon na ikinamatay ng 14 katao at ikinawasak ng ilan dosenang kabahayan.
Sinuyod ng search team ang mga nasirang bahay at negosyo sa paghahanap ng mga nawawalang tao. Naging kumplikado ito dahil sa marami ang umalis para sa mga pagdiriwang.