MAAARING makatulong ang weight-loss surgery upang hindi lumala ang diabetes at makaiwas sa heart attack bukod pa ito sa maaalis ang sobrang taba sa katawan, ayon sa pag-aaral sa UK.
Ito ang pinakamalawak na comprehensive investigation ng bariatric surgery — na tumatagal ng hanggang apat na taon sa 8,000 pasyente.
Malinaw ang health benefits ng operasyon at makatutulong sa mga taong overweight, ayon sinabi ng mga author sa PLoS Medicine.
Ayon sa kanila, aabot sa 1.4 milyong tao sa England ang maaaring makinabang. At sa kasalukuyan, aabot sa 8,000 katao kada taon ang sumasailalim sa nasabing operasyon mula sa NHS.
Kung lahat ng 1.4 milyong katao ang inalok ng bariatric surgery, aabot sa 5,000 heart attacks at maiiwasan at 40,000 kaso ng type 2 diabetes ang gagaling sa loob ng apat na taon, ayon sa taya ng mga researcher.
Mapanganib ang lahat ng uri ng operasyon, gayunman, kaya ang mga taong dapat lamang alukin ng nasabing surgery ay ang mga nais pumayat at magbawas ng timbang dahil sa kabila ng pagbabawas ng pagkain at pagiging aktibo sa pisikal na aktibidad ay hindi tumalab.
Ngunit nagpaalala ang mga eksperto na hindi dapat itong ituring na isang “quick fix”.
Ang bariatric surgery, kilala rin bilang weight loss surgery, ay binuo upang magamot ang mga taong “dangerously obese” ( ang mga taong may body mass index na 40 o higit pa o 35 plus other obesity-related health conditions).
Ayon sa lead researcher na si Dr. Ian Douglas, mula sa London School of Hygiene and Tropical Medicine, “The results are really encouraging. Obviously we would love to help people lose weight in other ways, through exercise and healthy diets, but that’s difficult. Diets do not always work well for everyone.
“We are not saying surgery is right for everyone, but it can be really effective.”
Nagbabala si Dr. Rankin ng Diabetes UK na ang bariatric surgery ay hindi dapat ituring na one-stop solution para sa type 2 diabetes at obesity.
“It should be offered along with ongoing support and clear plans for long term follow up.” - BBC News Online