Disyembre 25, 1946, dakong 6:00 ng gabi, nang sinimulang paganahin ang 24-kilowatt F-1 (“Physics-1”), ang pinakamatandang working nuclear reactor sa mundo, sa Kurchatov Institute sa Moscow, Russia.

Ibinatay ng mga physicist ang disenyo ng F-1 sa Hanford 305 reactor, na ang mga impormasyon ay sinasabing kinalap mula sa pag-eespiya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang self-sustaining nuclear chain reactor ay binubuo ng 40 tonelada ng natural uranium metal, at may core diameter na 19 na talampakan.

Dahil mababa ang operating power level nito, gumagamit pa rin ang F-1 ng original fuel load, na inaasahang tatagal ng ilang libong taon.

Ang F-1, na self-controlling, ay nagsisilbi ring prototype para sa modernong nuclear power plants. Ang CP-1 (“Chicago Pile-1”), ang unang American reactor na binuo noong Disyembre 2, 1942, ay nasira noong 1943.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!