KOH SAMUI, Thailand (Reuters)— Hinatulan kamatayan ng isang Thai court ang dalawang Myanmar migrant worker noong Huwebes matapos mapatunayang nagkasala sa pagpatay noong 2014 sa dalawang turistang British sa isang holiday island.

Natagpuan ang mga bangkay ng mga backpacker na sina Hannah Witheridge at David Miller sa dalampasigan ng isla ng Koh Tao noong Setyembre 2014. Sinabi ng pulisya na si Witheridge, 23, ay ginahasa at binugbog hanggang mamatay. Si Miller, 24, naman ay nagtamo ng mga pinsala sa ulo.

Matapos ang ilang linggong pressure para resolbahin ang kaso, inaresto ng mga pulis ang mga Myanmar migrant worker na sina Zaw Lin at Win Zaw Tun at kalaunan ay umamin ang dalawa sa krimen.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM