NATIVIDAD, Pangasinan - Malungkot na Pasko ang sasalubong sa pamilya ng isang lalaki na binaril sa Barangay Poblacion West sa bayang ito.

Sa impormasyong ipinarating kahapon ni Supt. Ferdinand de Asis, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, ang biktima ay nakilalang si Jesus Espique, nasa hustong gulang, ng Bgy. Poblacion West.

Patuloy pang inoobserbahan sa ospital ang biktima hanggang sa mga sinusulat ang balitang ito.

Dakong 7:30 ng umaga kahapon nang nangyari ang pamamaril at pinaghahanap na ng awtoridad ang mga suspek.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Liezle Basa Iñigo)