ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Mabuburyong ka sa Christmas rush, at posibleng magkaproblema sa health mo. Okay lang, magaling ang nurse mo.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

May opportunity para baguhin pa ang ilang detalye sa iyong Christmas plans. May tutulong sa’yo para mag-decide.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Stressful ang overall situation para sa’yo. Tutukan ang problema sa bahay para magkakabati kayong lahat sa Pasko.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

May maagang Christmas gift na matatanggap mula sa isang hindi mo ka-close. Masosorpresa ka, at makakalimutan mong magpasalamat.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Habang papalapit ang Pasko, magugulat kang lumalapad ang social circle mo. Huwag kang magsasayang ng oras sa mga taong walang kuwenta.

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Trabaho pa rin ang iniisip mo kahit magpa-Pasko na. Maa-appreciate ito ng ibang tao, pero hindi ng boss mo.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Sisimulan mo today ang mga bagong project at endeavors. Kikita ka nang extra at magiging merry ang iyong Christmas.

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

Simple lang ang mga bagay na pagkakaabalahan mo today. Magre-relax ka bago mag-Pasko at makakabuti ito sa’yo.

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Nakahanda na ang gifts na ipamimigay mo, pero may isang lumang problema ang susulpot. Kaya mo itong solusyunan, promise.

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

Productive and effective ka today sa pagtulong sa iba. Feel na feel mo na ang Pasko.

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Siguruhing makukumpleto ang mga task at project bago magbakasyon ngayong Pasko. May hahabol na meeting.

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Hindi favorable sa’yo ang araw na ito. Malulungkot ka sa pagkakatitig sa Christmas lights.