PAG-IBIG at kababaang loob ang umiiral kay Kris Aquino tungkol sa laban sa takilya ng kanyang 2015 Metro Manila Film Festival entry na All You Need is Pag-ibig.
Isa sa kilalang bankable actress si Kris na laging tumatabo ang mga pelikula ng mahigit sa isandaang milyon, pero inamin niya na hindi niya inaasahang maging top grosser sila sa unang araw ng filmfest.
“Sinabihan ko rin si Vice Ganda, ihanda natin ang sarili natin that day one is not ours,” banggit ni Kris sa ipinatawag na personal press conference sa kanyang bahay last Monday. “Pero ipaglaban na lang natin na magaganda ang movies natin and merong leg. Sabi ko nga, realistic ang expectations naming lahat. ‘Yun lang ‘yun, na tanggapin natin, day one will be theirs but there are how many other days pa.”
Hindi rin tulad noong mga nakaraang MMFF na may prediksyon o deklarasyon siya ukol sa kanyang pelikula na nagkakatotoo.
“The only thing I think that we’re confident about is Star Cinema knows how to tell a story. Cinematically, ‘yung movie na ito ang ganda talaga ng mga shots… it took three hours by boat from Club Paradise until that area in Coron… ito lang ang movie na may ganyang ipapakita, if only for that. Siyempre, may dagdag factor ‘yan.”
Pagmamalaki ng Queen of All Media, ito lang ang pelikula sa MMFF na nagha-highlight ng scenic spots ng Pilipinas.
Mararamdaman daw ng mga manonood ang kagandahan ng Pilipinas sa scenes nila sa Coron.
Inihalintulad din ni Kris ang All You Need is Pag-ibig sa paborito niyang Hollywood movie na Love Actually.
“Multi-generational din ‘yun pero I think nahigitan nito ‘yun,” saad ni Kris. “Ito ngayon, si Direk Tonet (Antoinette Jadaone) kasi speaks the language of today. And ang na’papakita niyang special is that it happens to all of us and yet she does it in a cinematic way.”
Love ang pangalan ng karakter ni Kris sa All You Need is Pag-ibig na merong TV show tungkol sa love and relationships. Siya at ang palabas niya ang mag-uugnay sa iba pang mga tauhan ng pelikula na ginagampanan nina Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, Kim Chiu, Xian Lim, Nova Villa, Ronaldo Valdez, Pokwang, Bimby Aquino Yap at Julia and Talia Concio.
“My connection to them is they were all watching me. The only one I had direct communications with apart from Derek is Xian,” saad ni Kris. “And then ‘yung kuwento niya kasi ‘yung mga matatanda, sina Tita Nova and Tito Ronaldo, 50 years married na sila and then p’wede palang after 50 years hindi na sila nag-uusap and then you feel taken for granted. So it opens na napapagod na sila so kailangang mabuhayan ulit sila para everybody else magka-love ulit.”
Mula ito sa direksiyon at sa panulat ni Antoinette Jadaone (kasama si Yoshe Dimen). (WALDERN SADIRI M. BELEN)