SAN ANTONIO, Nueva Ecija — Hindi nakalusot at nabulilyaso ang patagong bentahan ng droga makaraang maaktuhan ng lokal na Dangerous Enforcement Unit (DEU) ng San Antonio Police ang isang 29-anyos na drug pusher sa Sityo Lote, Bgy. Tikiw sa bayang ito noong Sabado ng gabi.

Kinilala ni P/CInsp. Manuel Catacutan, hepe ng San Antonio Police ang natiklong si Mark Esteban, alyas “Maki”, residente ng Purok 5, Bgy. Sto. Cristo.

Nasakote si Esteban dakong 8:45 ng gabi nang rumesponde ang mga tauhan ni Catacutan sa isang tawag sa telepono na may nagaganap na bentahan ng droga sa nasabing lugar.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng shabu.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon kay Catacutan, si Esteban ay nasa drug watch list ng PNP. (Light A. Nolasco)