Isa pang petisyun ang dinulog sa Commission on Elections (Comelec) para kuwestyunin ang legalidad ng kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte para sa pagka-pangulo sa halalan 2016.

Ang panibagong petisyon ay inihain ni Rizalito David, na nagsampa rin ng disqualification case laban kay Senador Grace Poe sa Senate Electoral Tribunal (SET) at sa Comelec.

Sa siyam na pahinang petisyon sa poll body, hiniling ni David na ideklara ng Comelec na walang bisa ang substitution ni Duterte kay Martin Dino bilang pambato sa pagkapangulo ng PDP-Laban.

Dahil dito, dapat lamang umano na makansela ang COC ni Duterte.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Iginiit ng petitioner na malinaw naman na ang COC ni Duterte ay inihain lagpas na ang deadline para sa pagsusumite ng COC na itinakda noong Oktubre 16, 2015.

Idinagdag pa ng petitioner na ang pag-atras ni Dino sa kanyang kandidatura ay pagpapaikot sa Rules of Procedure ng Comelec. (Mary Ann Santiago)