Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na walang consular services (passport, authentication/“red ribbon,” consular civil registration at ibang katulad na serbisyo) sa DFA Office of Consular Affairs-Aseana at sa lahat ng DFA Satellite Offices sa Metro Manila maging sa DFA Regional Consular Offices sa Disyembre 24, 25, 30, 31 at Enero 1 at 2, 2016.

Alinsunod ito sa Proclamation No. 831, s. 2014 at Proclamation No. 1105, s. 2015 na nagdedeklara sa Disyembre 24 bilang dagdag na special non-working day, Disyembre 25 (Christmas Day), regular holiday, Disyembre 30 (Rizal Day), regular holiday, Disyembre 31 (Last Day of the year)-special non-working day, Enero 1 (New Year’s Day), regular holiday at karagdagang special non-working day naman ang Enero 2, 2016. - Bella Gamotea

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador