Circus D’Ballet

Isang natatanging palabas na binubuo ng ballet at circus ang napapanood sa Aliw Theater an nagsimula nitong Disyembre 18 bilang handog ng Star City ngayong Pasko at ito ay magpapatuloy hanggang sa Enero 3, 2016.

Halaw sa orihinal na palabas ng Circus D’Ballet noong 2001 na pinamagatang “Belen,” magsasama-sama sa “Joy!” ang 30 mananayaw ng Ballet Manila at 30 circus artist, kasama ang limang aerialists na nag-training sa Ruby Karen Project, Orange County Aerial Arts sa isang kamangha-manghang palabas ng circus at ballet.

Mula sa konsepto ng Star Parks chairman na si Fred J. Elizalde, dito ay magtatagpo ang dalawang mime artist at isang salamangkero upang dalhin ang mga manonood sa daigdig ng musika sa awiting Joy To the World, Pasko Na Naman, Pasko Na Sinta Ko, Hele at Kumukutikutitap. May mga anghel din na magdadala sa kanila sa Belen.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ito ay mula sa direksiyon at choreography ni Osias Barroso, katulong sina Gerardo Francisco, Jonathan Janolo, Michael Divinagracia at Rudy de Dios.