CABIAO, Nueva Ecija - Hindi inalintana ng mga tracker team ng Cabiao Police ang malawakang baha nang magsagawa ang mga ito ng manhunt operation hanggang nasakote ang isang 24-anyos na carnapper sa bayang ito, kamakailan.

Sa ulat ni Chief Insp. Rico Cayabyab kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, nakilala ang matagal nang pinaghahanap ng batas na si Arvin Lapuz y Macalinao, ng Barangay Maligaya sa bayang ito.

Si Lapuz ay may warrant of arrest para sa carnapping at may piyansang P80,000. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog