Humagupit sa Davao Oriental ang bagyong ‘Onyok’ na ngayo’y naging low pressure area (LPA), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa weather specialist na si Benison Estareja, ang nasabing bagyo ay nag-landfall sa kalupaan ng Manay, Davao Oriental, kamakalawa ng gabi.

Matapos mag-landfall, humina na ang bagyo at naging LPA na lamang ito.

Tinanggal na rin ng PAGASA ang lahat ng public storm warning signal sa mga lugar na dinaanan ng bagyo.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Gayunman, niliwaw ng PAGASA na magkakaroon pa rin ng mga pag-ulan sa Caraga Region, Davao Region, Northern Mindanao at mga lalawigan ng Lanao Del Sur, Maguindanao at North Cotabato.

Nagbabala pa rin ang ahensya sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar.

Makararanas din ng amihan sa Bicol Region, Eastern Visayas, at Quezon kaya maaaring makaranas dito ng pag-ulan na posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa. (Rommel P. Tabbad)