ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Hindi na sekreto ang iyong professional achievements. Pero hindi ito nangangahulugan na babalewalain mo na lang ang idea ng iba.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

Huwag sisimulan ang isang proyekto nang nag-iisa. Fresh pa ang lahat ng plano, pero ‘di kailangang umasa ka na lang sa kanila. Umiwas sa sakit ng ulo.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Kung may diskusyon sa mga kasama sa bahay, simulan ngayon. Gamitin mo ang iyong diplomatic skills para maging merry ang Christmas ng pamilya.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

Nasa neutral mode ka today para iwas trouble. Ikaw ang peace maker, at sa pamamagitan mo ay mapipigilan ang isang eskandalo.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Wala kang complete freedom sa iyong financial affairs, pero may malaking magbabago bago mag-Pasko.

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Puro material things ang focus mo today. Ingatan din ang iyong health. Huwag dadamihan ang kain sa party.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Magdedesisyon ka today na ayusin na ang buhay mo, finally! Pero dahil sapul ay hindi ka independent, kakailanganin mo ng tulong ng most trusted mo.

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

Ime-maintain mo ang confidential secret connections. Uubra ang isolation, pero huwag mong kalilimutang konsultahin ang iyong partner, dahil siya ang the best na adviser mo.

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Enjoy ka ngayon sa communication sa iyong kaibigan o asawa; wala munang usapang trabaho.

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

Ang proper balance sa mga interest mo at ng iba ang susi sa iyong matagumpay na professional activity. May kaiinisan, pero huwag kang sisigaw.

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Diplomatic ang Sabadong ito, dahil sinapulan ng maayos na komunikasyon. Hindi mo sila ka-close kaya iwasang magsabi ng mga sekreto mo.

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Hindi mo ugali ang makipag-away, kaya gaya ng dati, magpapasensiya ka na lang. Walang effect ang fake militancy sa iyong kaaway.