Hindi pa patay ang panukalang Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region (BLBAR), sinabi ni Senate President Franklin M. Drilon nitong Huwebes.
Sa katunayan, sisikapin umano itong ipasa ng Senado sa ikalawang pagbasa sa pagbabalik ng regular session sa Enero 18, kasunod ng apat na linggong Christmas recess, ayon kay Drilon.
Naunang sinabi ni Sen. Ferdinand ‘’Bongbong’’ R. Marcos Jr., pangunahing may-akda ng BLBAR na substitute sa kontrobersyal na Malacañang-drafted Bangsamoro Basic Law (BBL), na maaaring hindi na maipasa ng kasalukuyang 16th Congress (2013-2016) ang BLBAR bago ang sine die adjournment nito sa Hunyo 11.
‘’We will work for the passage of the BLBAR’’ sa pagbabalik ng regular session ng Senado sa Enero 18, ani Drilon.
(Mario Casayuran)