CONCEPCION, Tarlac – Pitong katao ang nasugatan at isinugod sa Sta. Rita Hospital matapos magkarambola ang tatlong tricycle sa Concepcion-La Paz Road sa Sitio Matalusad, Barangay Sto. Rosario, Concepcion, Tarlac.

Kinilala ni PO3 Romulus Ramos ang mga nasugatan na sina Alejandro Tayag, 37, driver ng tricycle (CA-7657); Melody, 11; Aldrin Jay, 8; at Adrian Tayag, 13, pawang taga-Bgy. Bantog, La Paz, Tarlac.

Sa panig ng ikalawang tricycle (ID-5823) ay nasugatan din ang driver na si Baylon Torres, 29, at ang asawa niyang si Liway Torres, 25, ng Bgy. Sta. Monica, Concepcion, Tarlac.

Ang pangatlong tricycle (CB-10521) na sangkot sa karambola ay minamaneho naman ni Benjamin Mallari, 22, binata, ng Bgy. Sta. Monica, Concepcion, Tarlac. (Leandro Alborote)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?