Pormal nang inihayag ng Malacañang ang pagtatalaga ng anim na bagong opisyal ng Technical Education and Skills Authority (TESDA).

May tigatlong taong termino, ang mga itinalaga ay sina Bayani Diwa mula sa sektor ng manggagawa; Mary Go Ng at Fernandino Lising, mula sa sektor ng kalakalan; at Leonida Bayani-Ortiza, Danilo Lachica at Ma. Paloma, mula sa employers’ sector.

Ang impormasyon sa pagkakatalaga ng mga bagong opisyal ng ahensiya ay nagmula kay Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.

Ang mga ito ay makikipagtulungan kay Irene M. Isaac, bagong talagang TESDA secretary general, sa pagsusulong ng mga adhikain ng TESDA.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Pinalitan ni Isaac sa posisyon si Joel Villanueva, na ngayo’y kandidato sa pagkasenador sa ilalim ng koalisiyon ng Liberal Party. (Edd K. Usman)