ITOGON, Benguet — Dalawang minero ang namatay dahil sa gas poisoning sa lalawigan ng Benguet, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni Senior Supt. David Peredo, Officer-In-Charge ng Benguet Provincial Police Office (BPPO), ang mga biktima na sina Edgar Campus Santos, 29, tubong Alicia, Isabela at si Jordan Lindayo Cortez, 25, ng Paracelis, Mountain Province.

Nangyari ang insidente noong Disyembre 15 sa minahan ng Baguio Gold, Tuding, Itogon, Benguet. Dakong 7:00 ng umaga ay pumasok sina Santos at Cortes sa minahan ngunit sumapit na ang 4:00 ng hapon ay hindi pa rin sila lumalabas kayat nag-alala na ang kanilang mga kasamahan at nagpasyang hanapin sila. Natagpuan ang bangkay ng dalawa sa lalim na 150 metro. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog