SAN JUAN, Batangas - Hindi na nakauwi ng buhay ang isang 23-anyos na binata makaraang malunod sa karagatang sakop ng San Juan, Batangas.

Ayon sa report ni PO1 Anthony Penid, dakong 3:00 ng hapon nitong Disyembre 11 nang natagpuang nakalutang sa karagatang sakop ng San Juan ang bangkay ni June Dapog, ng Barangay Nagsaulay.

Nabatid sa report na dakong 8:00 ng umaga nang magpaalam si Dapog sa mga kaanak na mangunguha siya ng shell sa dalampasigan.

Hindi na bumalik ang binata hanggang sa natagpuan ang bangkay nito na may mga bakas ng pagkalunod sa mata at baga, ayon sa report. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog